Friday, November 27, 2009
YPS FOUNDER MAKIKISANGKOT SA ISANG TAPAT AT MALINIS NA HALALAN SA 2010 as MUN.COUNCILOR SA LOPEZ, QUEZON
Handang Makisangkot sa Pagbabago!
Hangad ko’y Makapag-Lingkod sa Pamayanan
HARREL Mora PAYCANA
BOSES ng KABATAAN , TINIG para sa KAUNLARAN!
Si HARREL MORA PAYCANA ay isang LIDER- KABATAAN at aktibong mamamayan ng Lopez, Quezon na naniniwala sa mga sumusunod:
Hangad ay PAGBABAGO – Luma at gasgas na pangako ng polítiko, pero hindi maaalis sa atin na kailangan ng pagbabago sa pamahalaan upang matiyak ang kaunlaran at makapag bigay ng totoong serbisyo publiko.
Matatag na PAGKAKAISA – kailangan ng sama-samang pagkilos mula sa pagpapaplano hanggang sa pagpapatupad ng proyekto at may direktang konsultasyon sa pamayanan upang matiyak ang layunin nito ay para sa kapakinabangan ng lahat.
PAKIKISANGKOT – kailangan ang aktibong pagkilos at pakikisangkot sa mga bagay na may kinalaman sa Taong Bayan upang matiyak ang kaunlaran ay matatamasa ng lahat at higit ang mga may tunay na nangangailangan.
Ano ang mga Prinsipyo ni kuya HARREL?
Naniniwala siya na ang bawat isa ay MAHALAGA. Kailangang konsultahin ang mga mamamayan para sa mga proyekto. Sapagkat ang pagbabago ay makakamit lamang sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.
Itinatakwil niya ang lumang polítika ng paggamit ng pera sa panahon ng halalan. Sa halip, itinataguyod niya ang isang bagong polítika ng plataporma at mga konkretong proyekto para sa kapakanan ng Taong Bayan.
Ipaglalaban niya ang pondo kada taon upang maging sapat at matutugunan ang mga batayang serbisyo na kailangan ng mamamayan, tulad ng TRABAHO, KALUSUGAN, EDUKASYON at higit sa lahat ang makabuluhang Ordinansa na may kinalaman sa mga mahihirap.
Support…YES! HMP ang mga isusulong na proyekto at programa.
YES-Youth Development, Education, and Environment Protection for Sustainable Development.
HMP- Health, Marketing-Micro Business Financing, Pe0ples Participation and Empowerment.
Youth Development Program –Pagbibigay ng programang pang-kaunlaran ng mga kabataan at pagkakaroon ng Youth Center katulong ang SK at ibang Civic-Organizations. Kasabay ang pagbibigay ng Scholarship, Trainings, Livelihood Program.
EDucation and Environment Protection – Pagbibigay ng malawakang kampanya para sa proteksyon ng kalikasan. Pagsuporta at pagpapatupad ng mga batas at ordinansa na may kinalaman sa kapaligiran.
Sustainable Development- Isusulong ang programang may kinalaman sa pang matagalang kaunlaran, Palakasin ang kabuhayang pansakahan sa bayan na hindi nagkakaroon ng kompromiso sa pagkasira ng likas yaman.
H
ealth Care – titiyakin ang pagkakaroon ng sapat at libreng gamot, ang pagsasanay para sa primary health care, at ang pagtulong sa mga nangangailangan ng tertiary health care. Ibig sabihin, ipaglalaban niya na mailaan ang ilang bahagi ng pondo para sa gastusin sa mag trainings ng mga barangay Health Workers at sa pagbili ng mga gamot na palagiang kinakailangan ng ating mga kababayan.
Micro-Business Financing – sisikapin niya na magkaroon ng pondo bilang financial assistance sa mga maliliit na mamumuhunan kasama sa pakikipagtulungan ng mga kooperatiba . Sa gayon malaki ang maitutulong nito sa kanilang ordinaryong pamumuhay.
People’s Participation and Empowerment – ang kapangyarihan ng Pamahalaan ay nasa mga tao. Dahil dito, titiyakin niya na may direktang konsultasyon sa mga tao ang lahat ng proyekto at sama-samang binabalangkas ang mga ito. Kasabay ang paglikha ng Policy and Legislative Advocacy Group upang magkakaroon ng madaliang konsultasyon sa mga proyektong may kinalaman sa kanilang mga hanay o sa kanilang sektor.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment