Friday, October 30, 2009

KASAYSAYAN NG YPS

KASAYSAYAN NG YOUTH PROGRESSIVE SOCIETY

2000, Nagsimula ang Youth Progressive Society bilang isang Political Party ng tagapagtatag nito sa Camp Vicente Lim National High School Calamba City, Laguna ang paaralang isa sa pinakamalaking sekundaryang paaralan sa Calamba City na may humigit kumulang na dalawang libong mga mag-aaral . Ang YPS, isang Political Party para sa Student Body Organization (SBO) ng CVLNHS pormal na naitatag ito noong June 27, 2000 sa mismong kaarawan ng nagtatag sa panghihikayat ng mga kaibigan at mga kamag-aral. Maraming pinagpiliang pangalan ng samahan hanggang sa mapagpasyahan na YPS o Youth Progressive Society ang maging opisyal na itawag sa nasabing Political Party. Nagsimula ito sa pitong (7) myembro ang kakatawan sa halalan ng SBO. Ang nagtatag lamang ang kandidato opisyal na hindi sa Section A ( pilot section,. subalit dahil sa likas na palakaibigan at sa ganda ng programa at plataporma ang nagtatag nito nakuha niya ang pinaka mataas na boto at mapalad siyang nahalal bilang SBO President ng nasabing paaralan.

2001, nang magpasiya ang nagtatag na muling bumalik sa bayan ng Lopez, Quezon upang dito na muling ipagpatuloy ang pag-aaral sa ika-4 na antas sa sekundarya at ito ay sa Quezon High School. July 3, 2001 muli itong ginawang Political Party sa nasabing paaralan at muling nahalal bilang Pangulo ng SBO ang nagtatag nito kasama ang labing anim (16) myembro at bumubuo sa partido ng YPS, hanggang sa kasalukuyan ang YPS ang nag-iisang matatag na partido at laging panalo sa nasabing paaralan at dito rin unang sangay o chapter ng samahang YPS.

2004, naitayo ang PUP Chapter sa pagmamalasakit na ipagpatuloy ang nasimulang paglilingkod sa paaralan, kapwa at pamayanan sa kasama ang labing apat (14) na myembro sa nasabing sangay ang naging isang lihitimong non-academic organization ito sa tulong ng Office of the Student Affair. Sa unang taon pa lamang ito sa PUP ay nagpamalas na ito ng kakaibang paglilingkod sa hany ng mga mga-aaral at pagpapaunlad ng paaralan at pamayanan. Hanggang magkaroon ng maraming myembro mula sa ibat-ibang kurso at maraming pagkilala at pagkamit ng karangalan ang YPS sa PUP.

2006, nagkaroon ng pag-oorganisa ang myemro ng samahan na naninirihan sa bayan ng Gumaca, Quezon nagkaroon din dito ng Chapter na sinimulan sa Barangay Tabing dagat.

2006, Pormal na mabuo ang YPS Lopez Municipal Council noong April 7, 2006 sa pamamagitan ng isang General Assembly na ginanap sa Brgy. Hall ng Barangay Danlagan Lopez, Quezon. kasama ang 26 na mga lider-kabataan mula sa ibat-ibang barangay ng Lopez, Quezon.

2009, Pormal na binukasan ang membership ng samahan hindi lamang sa bayan ng Lopez at lalawigan ng Quezon kundi pati na rin saan mang sulok ng Pilipinas sa pamamagitan ng boluntaryong pagpapahayag ng pagsapi sa pamamagitan ng Online membership. Pagdaan ng panahon nakisabay na rin ang samahan sa makabagong teknolohiya upang mas makatulong at makapagbigay ng serbisyo sa kabataan sa pamamagitan ng pagtalakay sa isyung kinakaharap ng sector.

Sa kabila ng lahat ng nararanasang suliranin ng samahan nanatili itong matatag sa paniniwala sa misyon at pananaw ng samahan para sa magandang bukas ng mga kabataan.

No comments:

Post a Comment