Friday, October 30, 2009

SINO BA ANG NAGTATAG NG YPS?


TAGAPAGTATAG NG YOUTH PROGRESSIVE SOCIETY


KASAYSAYAN ng tagapagtag mulaElementary-High School


PASIMULA:


Ang nagtatag ng samahang YPS ay si HARREL MORA PAYCANA, Isang ordinaryong lider kabataan na isinilang sa Bayan ng Lopez, Quezon, noong ika-27 ng Hunyo taong 1983 na naniniwala sa kahalagahan at kontribusyon ng kabataan sa lipunan. Ika lima sa pitong anak ng mag-asawang sina G. Ariel Arbolente Paycana Sr. at Minda Madera Mora kapwa magsasaka.



ELEMENTARYA:



Siya ay nag-aral sa Magsaysay Day Care Center, mula naman sa Grade 1 to 4 sa Don Emilio Salumbides Elementary School, dahil sa murang edad at kagiliwang manirahan sa baryo siya ay nanirahan at inalaagan nina G. at Gng. Adelmo V. Arandela hanggang sya ay pumasok bilang Grade 5 sa Vegaflor Elementary School at nakuha niya dito ang Unang Karangalan. Subalit nagtapos pa rin siya sa piling ng kanyang tunay na mga magulang sa bayan at Dito muli sya ay nag-aral at nagtapos ng Grade 6 sa Don Emilio Salumbides Elementary taong 1996.



SEKUNDARYA:



Dahil sa kahirapan sa buhay na dinaranas ng kanyang pamilya napagpasyahan ng kanyang mga magulang na dalhin sya sa isang kamag-anak sa Canlubang Calamaba, Laguna (now Calamba City) upang doon ay ipagpatuloy niya ang pag-aaral sa mataas na antas. Nag aral siya ng Unang taon sa sekundarya sa Majada In National High School Canlubang Calamba, Laguna, dahil sa kakaibang kaisipan ng kabataan humiwalay siya sa kamag-anak at nagsumikap na tumayo sa sarili dito siya nagtrabho habang nag-aaral sa ikalawa at Ikatlong taon sa Camp Vicente Lim National High School Mayapa Calamba, Laguna. Noong nasa ikatlong taon naitatag niya ang YOUTH PROGRESSIVE SOCIETY ang pagsilang ng samahang YPS sa mismong araw ng kanyang pagsilang taong 2000 sa paaralan din ito nagsimula ang kanyang husay sa pamamahala dahil siya dito ay nahalal bilang Pangulo ng Student Body Organization at sa ibat-ibang talento dahil dito nakakuha siya ng ibat-ibang parangal at pagkilala. Sa kagustuhan niyang makapagtapos sa baying kanyang sinilangan sya ay muling bumalik sa bayan ng Lopez, Quezon. sa Quezon High School na niya tinapos ang ika-apat na taon kasabay nito ang patagtatag niya ng YPS sa nasabing bayan at paaralan. Dito sya rin ang nahalal bilang Pangulo ng Student Body Organization sa ilalim ng partidong YPS. Marami siyang natamong pagkilala at karangalan tulad ng mga contest sa pang bayan at pang lalawigan na siya ang kumakatawan, ang ilan sa kanyang nakuhang karangalan sa kanyang pagtatapos ng sekundarya ay CAT Service Medal Award, Pres. GMA Leadership Award, Best in Filipino, Best in History, Mananalumpati, Manunula, Mang-aawit ng taon, SBO Leadership Award, 3rd Place Hermano Puli, Youth Leader of Lopez, Quezon, Troops Commander of the Year Boy Scout of the Philippines, Resource Speaker sa ibat-ibang pagsasanay.

No comments:

Post a Comment